Karaniwan ay sa mga pelikula lamang tayo nakakakita ng malalagim na pagkamatay, tulad na lang ng sa pelikulang Final Destination na kung saan ang mga bida ay isa-isang namamatay sa nakakarimarim na paraan.
Parang ganon ang nangyari sa biktimang si Elena Struthers-Gardner, 60, matapos makaranas ng masaklap na brain injuries sa kanyang tahanan sa Broadstone, Poole, Dorset noong Nobyembre ng nakaraang taon.
May dala-dala ito diumano na isang mason jar glass na may stainless steel straw nang bigla itong mahimatay, tumusok ang bakal na straw na ito sa kanyang kanang mata na dumiretso sa kanyang utak. Isinugod si Elena sa ospital.
Narito ang pahayag ng kanyang mister na si Mandy Struthers-Gardner:
“I slid the glass off the straw and turned her over. I could see the straw had gone through her left eye. I was quickly informed that due to the severity of her injury it was very unlikely she would survive. We saw a couple of specialists and were told there was nothing they could do.”
Sinubukan ni Mandy na pagalingin pa si Elena ngunit hindi na raw ito kakayaning magamot pa.
Tinanggal na ang life support ni Elena at pumanaw na nang sumunod na araw.
Ayon sa doktor na si Dr. David Parham, wala pa silang nakikitang ganitong klaseng injury na sobrang lala nang dahil lamang sa metal straw.
Dagdag pa ni Mandy, “I just feel that in the hands of mobility challenged people like Elena, or children, or even able-bodied people losing their footing, these things are so long and very strong. Even if they don’t end a life they can be very dangerous.
“I miss her very much, she was taken far too early. I hope this never happens to anyone else.”
Ang metal drinking straw ay nauso at inimbento bilang pamalit sa mga ginagamit na plastic na dahilan ng pagkasira ng ating mundo at karagatan, hindi ito dapat ginagamit sa kung saan-saan at dapat na maging masinop at maingat sa paggamit.