Sa bawat pagkabigo ay hakbang papalapit sa tagumpay ito ay ayon kay Zig Ziglar. Kaya kung nakararanas ng kahirapan ay huwag mag-alala, kundi magpokus sa iyong goals. Imbes na baguhin ang buong buhay, subukan na i-give up muna ang iyong bad habit. Saka palitan ito ng healthy habit na tiyak ay literal na mababago ang sistema ng iyong buhay.
Halimbawa ay ang simpleng pag-exercise na ang iniisip ng tao ay para lamang sa pagbabawas ng timbang na epektibo namang nakatutulong para sa weight management. Sa halip ang ehersisyo ay nagpapaganda rin ng mood, proteksyon laban sa mga chronic disease, at nagpapa-improve ng quality ng buhay. Simulan na mag-commit ng at least 10 minutes na exercise na sa simpleng paglalakad ay counted nang ehersisyo.
Ang paglabas sa bahay ay isa sa best na paraan lalo na kung magpapa-araw sa umaga para gumanda ang kalusugan, mood, at productivity. Sa research, ang outdoors na activity ay maaaring mag-boost ng energy levels. Maganda rin sa pag-set ng circadian rhythms upang maging masarap ang tulog sa gabi. Tuloy ang takbo ng buhay sa mga healthy habits na magpokus gawin ito araw-araw.