Pangarap na kayamanan

Isang asawa, dalawang anak, tatlong bedrooms, isang kotse, at may five-figure bank account na simpleng pangarap ng karamihan.

Pero sekreto ng  marami  ay nangangarap na mas maging mayaman pa sa mga nabanggit.

Kapag sinabing mayaman na gusto lagi ay mas angat sa kapitbahay o kasama sa trabaho. May maraming stock at shares, malaki ang savings, may malaking bahay sa tabi ng dagat o bundok, at may matagumpay na negosyo.

Ang ganitong pangarap ng marami na tumataya sa lotto ay  umaasa na ma-hit ang jackpot draw. Pero kadalasan na ilang daang libo na rin ang itinataya, pero bokya pa rin sa kakapila sa  lotto. Kailangan  lamang  na magbanat ng buto na huwag sumuko hanggang makamit ang pinapa­ngarap mong kayamanan.

Anumang edad o sitwasyon ang kinalalagyan ay ngayon ang best time na paghandaan ang retirement. Kung mag-iipon ng maaga ang konting halaga ay sapat nang maitatabi na magagamit sa kinabukasan. Kahit may edad na ay hindi pa huli ang lahat na simulan ang pag-iipon hanggang maaari ay sa mas mala­king halaga upang maibalik at  maging secure ang future.

Show comments