Beauty secret ng isang sikat at magaling na fashion designer sa France ang paglalagay ng mansanilya (chamomile) sa mukha tuwing umaga.
Simple lang ang preparasyon para sa nasabing routine.
Pakuluan lang ang mansanilya at palamigin. Pagkatapos nito ay ilagay ang pinakuluang mansanilya (kasama ang tubig) sa lagayan ng yelo at i-freeze
Tuwing umaga, ipahid sa mukha ang isang pirasong cube ice.
Ang chamomile decoction (pinakuluang mansanilya) ay makatutulong sa pag-unat ng kulubot na balat. Ini-stimulate rin nito ang balat para mas magmukhang maaliwalas at banat.
Pagtapos gawin ang nasabing procedure, agad na mapapansin ang kakaibang glow sa mukha at mababawasan ang pagiging oily.