Financial literacy para sa kabataan

Ang maagang pagtuturo sa mga anak patungkol sa financial literacy ay malaking tulong kung paano magiging masinop ang mga bata sa pag-manage ng kanilang mga pera.

Ang plano na isama sa curriculum ang financial literacy sa high school ay magiging kapaki-pa­kinabang  sa long term na impact sa buhay ng mga kabataan upang maging responsable sa kanilang financial na behavior sa pang-araw-araw na layunin.

Dahil matututunan nang maaga ng mga bata ang basic na money management patungkol sa budgeting, saving, investing, pagbibigay, at higit sa lahat ay ang topic sa debt. Upang maiwasan din na mabaon sa utang sa hinaharap. Ang maganda, malinaw, at maagang kaalaman ng financial literacy ay magsisilbing matatag na pondasyon ng mga estudyante upang matutong magkaroon ng maayos na money habits.

Magsisilbi rin itong gabay sa mga kabataan na maiwasan ang mga pagkakamali ng kanilang mga magulang na hindi na natututong humawak ng kanilang pera at budget ng pamilya na tiyak ay magiging benepisyo rin sa ating ekonomiya para sa susunod na henerasyon.

Show comments