Leon na nagpadede ng ‘kalaban’

Hindi masasabing magkaibigan ang African lions at leopard. Katunayan, may ‘habit’ ang mga lion sa pagpatay ng mga leopard na naitala ng mga wildlife expert.

Dahil dito, marami ang nagulat nang makita nila ang limang taong gulang na babaeng leon na nagpapasuso ng bagong silang na leopard sa Tanzania’s Ngorongoro Conservation Area.

Ayon kay Luke Hunter, president and chief conservation officer for Panthera, na isang global wild cat nonprofit organization, pambihira ang naturang pangyayari at iyon ang unang beses na makakita sila ng leon na hindi lamang mabait, kundi nagpakita pa ng pagiging ina sa kanilang itinuturing na ‘kaaway’.

Show comments