Hindi lamang mga bubong ang puwedeng magkaroon ng access ng tubig papunta sa bahay, pati na rin ang mga pintuan at bintana. Ang malakas na ulan na may kasamang hangin ay puwedeng magdala ng tubig sa bahay sa pamamagitan ng windows at doors na hindi naisara nang maayos.
Ang bagong install na bintana at pinto ay hindi exempted sa ganitong problema. Lalo na ang lumang pinto at bintana na dapat ay mainspeksyon nang maaga para malagyan ng seal. Kung masisigurado ang window at door ay nagpa-function nang maayos ay may kasiguraduhan din na protektado ang bahay gaano man kalakas ang ulan.
Ang paggamit ng flood boards ay makatutulong na ma-block ang tubig mula sa puwang sa pagitan ng pinto at frame na mas epektibo na mapoprotektahan ang tahanan mula sa potential na pagbaha.
Puwedeng makabili ng flood boards sa malapit na hardware store sa inyong lugar.