Benepisyo ng Labanos

Masasabing isa ang labanos o radish sa Ingles sa ‘underrated’ na pagkain. Inaayawan ito ng marami dahil mapait-pait kasi ito at may mapaklang lasa. Pero alam n’yo bang napakaraming benepisyo ang makukuha sa pagkain ng labanos.

Ang isa marahil sa pinakamagugustuhan ng mga tao ay ang benepis­yong nakatutulong ito para makabawas ng timbang. Bukod pa riyan ay maganda ito sa puso at nakabababa rin ng blood pressure.

Ang pagkain din nito ay naiiwas sa sakit na cancer at pampalakas ng immune system.

Maganda rin sa digestive system ang labanos at maging sa urinary disorder.

Bukod pa riyan ay maganda rin ito sa respiration at natural na pampalamig ng katawan. Kaya okay itong kainin tuwing summer.

Nakatutulong din ang pagkain ng labanos para mapaganda ang kutis at tumibay ang mga buto.

Burp!

Show comments