Paano mag-build up ng confidence? Sa kaparehong paraan kung paano i-boost ng athlete ang kanyang tiwala kung hindi pang stellar performance ang nagawa nito katulad din sa businessman sa paglagpak nito sa bad investment.
Habang pasulong ay nalalaman ang maling hakbang o ilang series na hindi ma-hit ang mga goals dahil sa mga kahinaan.
Kailangang maniwala sa sarili para hindi mahirapan sa goal achievement na hinahangad. Ang pananaw na standard dapat ay ang self-acceptance at self worth na pinakamahalaga. Ang concept ng confidence ay kadalasan na ibinubuhos ang self-worth sa pagpokus ng task at goals. Maaaring magkaroon ng malakas na motivator kapag mayroong narating sa buhay. Pero mahirap ang pakikibaka sa perfection na mapanganib na pinahihirapan ang sarili sa isang task na hindi kailaman mananalo. Dahil kahit ibigay pa ang iyong best effort sa anomang ginagawa ay hindi magiging sapat ang confidence na palaging mauuhaw sa tagumpay.
Ang totoong confidence ay pagtanggap sa sarili ng iyong kahinaan, strength, at ang whole package na buong halaga ng iyong pagkatao. Ang mga nararating sa buhay bilang achievement ay isang maliit na portion lamang ng tagumpay dahil ang confidence ay depende sa pananaw ng tumitingin.