Auditory Learner na Anak

Ang pagpilit sa anak na maupo sa table upang magbasa ng chapters mula sa libro ay nakaka-frustrate sa bata.

Sa halip, pag-aralan ang angkop na style ng anak kung paano matuto. Puwedeng magpakonsulta sa kanyang teacher upang mabigyan ng advice at maplano kung paano ma-highlight ang skills ng anak.

Depende rin sa abilidad ng anak kung siya ba ay more on sa academics o skills kung English, math, o arts.

Kung ang anak ay isang auditory learner, puwedeng i-record ang kanyang reading chapter saka i-play ng malakas para marinig ng anak ang recording master.

Kung more on sa visual ang bata, puwedeng gumamit ng mga pictures, iba’t ibang colors, flash cards, o iba pang materials upang madaling ma-connect ng anak ang concept ng subject na itinuturo sa kanya.

Show comments