Pagpapa-repair ng kisame at bubong

Ang bubong ang pinakaimportante pagdating sa pagprotekta sa bahay mula sa mga mapanganib na ele­mento kasama na ang ulan.

Ito rin ang parte ng bahay na mas mahal ang pagpapa-repair depende sa materyales at bayad sa labor. Para maiwasan ang sobrang gastos sa kisame ay siguraduhing i-check ito dalawang beses sa isang taon.

Mahal ang pagpapagawa pero mas mura kung member ng pamilya ang magkukumpuni.

Siguraduhin na walang tulo ang kisame o bubong ng bahay. Gumamit ng malakas na adhesives upang matapalan ang mga butas.

Kadalasan ay metal ang bubong na madaling ma-locate ang tulo. Worthy na ayusin ang leak bago pa dumating ang tag-ulan upang masigurado na maayos ang bubong kaysa sa ipa-repair pa ito.

Show comments