Panganib sa mahabang pagkakaupo

Karamihan sa mga tao ay may tsansang nakaupo ng 10 – 13 oras sa isang araw. Kung naglalaan ng oras sa pagtatrabaho sa opisina man, school, bahay, pagmamaneho, kumakain, o panonood ng TV na may negatibong resulta sa kalusugan.

May panganib sa terminong “sitting disease”  dahil sa kawalan ng physical na activity na nagreresulta nang pagbabanta ng maraming sakit. Sa research, ang mga babae ay kalimitan na nakaupo nang mahigit na 6 hours sa isang araw na 94% kumpara sa pagkikilos sana. Samantalang ang mga lalaki ay hindi rin active dahil 48% ay nakaupo rin ng mahigit anim na oras sa maghapon.

Nalaman na ang sobrang pagkakaupo ay mataas ang risk ng pagkakaroon ng mga karamdaman. Tulad ng obesity, metabolic syndrome, type 2 diabetes, cardiovascular disease, ilang type ng kanser, varicose veins, depression, pagkabalisa, pagbaba ng cognitive, pananakit ng muscle at joint, pagkawala ng muscle mass at lakas nito.

Sa ating modern world na maraming naka-design ay ang pag-upo gaya sa pagkain, pagtrabaho, pag-socialize, at pag-travel. Ang karaniwang pag-upo ng isang empleyado ay 15 hours o higit pa. Ang puwet ay nakasalampak sa upuan sa labas o loob ng bahay. Importante na magkaroon ng regular na exercise upang malabanan ang mahabang pagkakaupo. Maglakad-lakad din kapag may time para maitama ang maling sistema ng pagkakaupo at magkaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo at hindi lang naka-stock sa iisang posisyon.

Show comments