Katas ng kamatis

Hitik ang kamatis sa lycopene, isang uri ng anti-oxidant na nagpapatibay ng ating capillary walls na makikita naman sa ating balat.

Mayroon din itong Vitamin C na makatutulong para mabawasan ang taghiyawat/acne.

Naturally acidic din ito kaya maibabalanse nito ang kutis at mababawasan ang sob­rang magka-oily.

Ilagay lang ng direkta ang katas ng kamatis sa mukha gamit ang bulak. Ibabad ito ng sampung minuto. Pagtapos ay banlawan ito ng malamig na tubig.

Sa loob ng dalawang linggo ay mapapansin agad ang epekto nito sa ating mukha.

Show comments