Anak na Hinuhusgahan ni Mama

Dear Vanezza,

Sobrang higpit ng mama ko pagdating sa manliligaw ko. Nagkukuwento pa lang ako malandi agad ang bansag sa akin. Naiinggit ako sa mga pinsan ko na open sila sa tita ko at hindi sila hinuhusgahan. Nalaman ko ang dami palang naging BF ng mama ko akala niya ay gagayahin ko siya. Ano ba ang dapat kong gawin? – Josie

Dear Josie,

Maaaring ayaw ni mama mo na mapahamak ka. Kausapin si mama at sabihin ang iyong nararamdaman upang matutunan din ni mama na maging open ka sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments