Sumilong sa Tore ng Simbahan

Panaginip: Dalawang taon na akong biyuda at may tatlong anak. Napanaginipan kong natutunaw na parang yelo ang lupang kinatatayuan ng aming bahay.

Sa sobrang takot ay tumakbo kaming mag-iina sa tuktok ng tore ng simbahan.

Marissa

Interpretation: Ang iyong panaginip ay bunga ng iyong pag-aalala sa kinabukasan ninyong mag-iina dahil wala na si mister.

Ang pagkatunaw ng lupa ay simbolo ng anxieties na nararanasan sa waking life.

Ang pagtakbo sa tore ng simbahan ay nagsasaad na sa kabila ng iyong mga pag-aalala ay gumagawa ka pa rin ng paraan para mabuhay kayong mag-ina at nananatili pa rin sa iyo ang mataas na pananampalataya sa Diyos.

Show comments