Paboritong kulay

(Last of 2 parts)

Kung GREEN ang paborito mo,

Mahusay makisama pero masakit magsalita. Nagiging matandang dalaga o binata or matagal bago makakuha ng mapapangasawa.

Kung BROWN ang paborito mo,

Active at mahilig sa sports. Mahirap pakisamahan ng ibang tao. Mabilis ma-in love. Mabilis din panghinaan ng loob. Kaunting kabiguan lang ay nawawalan kaagad ng pag-asa sa buhay.

Kung BLACK ang paborito mo,

Malakas ang loob at mahilig sa mga chal­lenges. Ayaw ng mga pagbabago sa buhay. Basta’t may pinaniwalaang prinsipyo, asahan mong iyon na paniniwalaan niya habang buhay.

Kung PURPLE ang paborito mo,

May pagka-misteryosa ang personalidad. Mapagbigay at ma-PR  kaya nagiging popular sa mga tao.

Kung GRAY ang paborito mo,

Medyo selfish. Prangka. Hindi mo ugaling magtago ng nadarama. May good sense of humor kaya kayang-kaya niyang pasayahin ang mga tao.

Kung WHITE ang paborito mo,

May unique persona­lity. Kaya lang selosa.

 

 

Show comments