Ngayon pa lang ay dapat magkaroon na ng vacation savings account. Ang pagkakamali ng ilan ay nagbabayad ng cash sa kanilang checking accounts o itinatago lang ang pera sa ilalim ng kanilang kama o cabinet.
Siyempre kapag cash mas accessible na makuha at natutuksong magastos ang pera sa ibang bagay. Sa halip ay dapat magtabi ng savings account na nakalaan lamang ang pera para sa plano o goals na bakasyon. Mas mainam kung ilagagay ito sa online banking para siguradong mataas ang interest rate.
Puwede rin piliin ang automatic savings na ipapasok sa iyong account kada-suweldo. Payo ng mga experts na kung mayroong automatic transfer para ihiwalay ang savings account na kung gusto ay weekly o 15th at 30th payday ay depende kung kailan afford ang hulog.
Puwedeng magsimula sa maliit na halaga na pagkatapos ng ilang linggo, buwan, o taon ay hindi namamalayang malaki na ang iyong savings.
Maaaring hindi kayang ma-cover ang buong halaga ng budget sa iyong bakasyon, pero malaki pa rin ang madudukot sa bulsa na makatutulong sa iyong road trip na get away.