Warning Mula sa Nunal (2)

6—Nunal sa mismong eyebrow—gamitin sa tama ang pagiging malikhain, artistic, at matalino. Magiging mayaman at sikat. Kung hindi man yumaman, magiging madali sa kanya ang pagkita ng pera.

7—Nunal mismo sa eyelid—maging maingat sa paghawak ng pera dahil may tendency na maging gastador. Laging may conflict sa kapamilya. Lawakan ang pang-unawa sa kanila.

8—Laging gipit sa pera at madaling mabola ng opposite sex kaya laging naiisahan. Maging madiskarte at masipag sa paghahanapbuhay. Ma­ging “wise” sa pagpili ng pagkakatiwalaan ng iyong pag-ibig. - Itutuloy

Show comments