Iba’t ibang hugis ng kilay, nauuso!

Trending ngayon sa social media ang bagong pakulo ng mga millennial.

Hindi na nga sila nakuntento sa pangkaraniwang “kilay on fleek” dahil dinala na nila ito sa next level.

Swak sa upcoming parties ang iba’t ibang eyebrows trends na tiyak na babagayan ng kahit na sino.

Mula sa natural na style ng kilay hanggang sa makapal, naisipan ng ilang millennial makeup artist na gawing creative ang kanilang kilay.

Usung-uso ito ngayong gawing theme sa mga party. Kaya imbes na pakabugan ng outfit, pagandahan ng disenyo ng kilay ang kanilang inihahanda.

Mayroong bulaklakin, kilay na parang may halo, at kilay na tinirintas.

Show comments