Tag-ulan man o tag-araw, mahirap tanggihan ang masarap at mainit na sabaw tulad ng ramen. Bukod sa noodles, sagana rin kasi ito sa iba’t ibang toppings.
Magagawa mo ito sa isang kainan sa Malate na may mura at masarap na ramen at nagsi-serve rin ng beer. Ang ating rerebyuhin ngayon ay ang Tantanmen ramen na best seller ng Erra’s Vest Ramen in Town.
Medyo maghihintay ka dahil made to order ang siste rito. Nang dumating sa amin ang order napakalaki ng serving bowl nito at kapansin-pansin agad ang malapot ang kulay pulang sabaw. Mainit at masarap ang maanghang sa sabaw na tama lang ang alat. May isa o dalawang hiwa ito ng manipis na karne ng baboy.
Kahit manipis, malasa ito malambot. Grabe medyo bitin lang pero maaaring magpadagdag sa halagang 30 pesos. Puwede ring magpalagay ng itlog sa halagang 15 pesos naman. Ang noodle naman nito ay makunat-kunat at masarap. May seaweed din na sahog ang ramen na lalong nagpapasarap nito.
Sulit talaga ang P100 pesos mo dahil good for sharing din ang isang serving nito.Ang Erra’s Vest Ramen in Town sa Adriatico st. sa Malate, Maynila ay bukas 24 oras kaya kung nagki-crave ka ng ramen isang hatinggabi at nasa Maynila maaari silang bisitahin at siguradong solb na solb ka. Burp!