Dear Vanezza,
Bunso ako sa pamilya na 19 years old na ko, pero baby pa rin ang tingin ng nanay ko sa akin. Yung mga classmates ko ay mga working students na gusto ko rin maranasan. Kahit ang magkanobyo ay excited na rin ako. Ang problema ay ayaw ng mommy ko na mahirapan ako sa work. Ayaw pa rin niya na magkanobyo ako. Inggit ako sa mga classmates ko na young adult ang trato sa kanila, pero sa akin ay baby pa rin. Ano ba ang gagawin ko? – Jane
Dear Jane,
Ganun talaga na forever baby minsan ang trato ng magulang sa anak nila. Puwedeng patunayan na young adult ka na rin. Ipaliwang ang goal na mag-explore, pero makinig na huwag munang magnobyo hanggang hindi pa makahanap ng lalaking papasa sa taste ng nanay mo.
Sumasainyo,
Vanezza