Misis Nahawaan ng STD ni Mister

Dear Vanezza,

Babaero ang mister ko na mahilig mag-beerhouse. Nahawahan na niya ako ng sakit sa babae. Ang katuwiran sa akin ng mister ko ay natutukso lamang siyang tumikim ng ibang putahe. Gusto ko nang makipaghiwalay sa asawa ko kahit pa may dalawa kaming anak. Kaysa naman na puro away ang nangyayari na hindi pa rin tumitino ang mister ko. Ano ang gagawin ko? - Neng

Dear Neng,

Puwedeng magtanong sa abogado kung anong dapat gawin upang mapawalang bisa ang inyong kasal. Dahil sa emotional na pang-aabuso ng iyong mister lalo at nagkasakit ka na rin ng sexual transmitted disease na malakas na laban sa iyong kaso.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments