Nanay na Addict sa Sugal

Dear Vanezza,

Tumatakas si nanay sa amin para lang makapag-bingo. Sa aming magkapatid iniiwan ang sanggol naming bunso. Sa pagka-addict ni nanay sa sugal ay nauubos ang padala ni tatay na isang seaman. Gusto na naming isumbong si nanay kay tatay, pero tiyak na pag-aawayan nila ito. Ano po ang gagawin ko? – Jasmin

Dear Jasmin,

Kailangan malaman ito ni tatay ang problema. Dahil baka pati ang buong bahay ay maisanla dahil sa pagsusugal ni nanay. Upang pag-usapan ng pamilya na hindi na humawak ng pera si nanay. Hanggang hindi pa ito tumitino sa kanyang bisyo. Para hindi masayang ang lahat ng pinaghihirapan ni tatay. Tulungan din si nanat na makaiwas sa kanyang bisyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments