Romantic ka ba sa Asawa mo?

Gaano ka romantic sa iyong asawa? Sagutin ang ilang quiz ng oo o hindi. 

 

Nagpapakita sa asawa ng love sa pamamagitan ng desire o pag-appreciate.  Naglalaan ng oras at energy para maging romantic? Kapag dumarating ang asawa ay sinasalubong ba o hinahalikan? Kapag kausap si misis o mister, gusto mo bang ikaw ang sentro ng usapan?  Nagsa-suggest o nagpaplano ng date nights? Nagpi-pray ba kasama ang asawa? Tinatawagan o tini-text ba ang partner? Naghahanda ka ba para sa mga special na okasyon? Hindi mo ba hinahayaan na ang komunikasyon ang maging hadlang sa intimacy sa inyong marriage?

Kung karamihan sa sagot ay oo ikaw ay nakapasa sa 88.5% na pasado sa score. Ito ay senyales na “well done” ang ginagawa sa iyong mapalad na mister o misis.

Ang genuine na love ay expression nang malalim na appreciation sa asawa. Ang intense na maging aware sa pangangailangan ni wife o hubby ay nagpapalakas at nagpapabuti sa character ng asawa. Bilang mapagbigay, hindi makasarili,  laging nag-aalala at nag-iingat sa pinakamamahal na asawa.

Show comments