Kiliti ni Mister

Ang bawat mister at karamihan sa ibang kalalakihan na ang pananaw sa romance ay magkaiba sa lenses kaysa sa mga babae. Kung magkahiwalay na tatanungin ang grupo ng babae at lalaki sa pagsagot sa tanong kung anong klaseng romansa ang gusto nito sa kanyang asawa.

Guarantee na ang mga lalaki ay nakapokus sa physical intimacy na sasabihin na magsuot si misis ng sexy negligee na pagdating sa harapan ng pinto ay patatanggal na ang damit ng babae. Iba naman ang romantic sa depenisyon ng babae na ang iniisip ay dalhin siya sa candleit restaurant, makikipagkuwentuhan sa partner, uupo sa harap ng fire place, at kayakap si mister. Karamihan ang mga mister ay nag-uudyok sa nakikita, paghimas, at paghipo. Samantalang ang mga lahi ni Eba ay gustong ma-develop ang isang relasyon.

Ang pagbibigay sa romantic needs ni mister ay kailangang maunawaan na ito ay kakaiba sa gusto ni misis. Ibig sabihin ay handa rin si misis isakripisyo ang sarili nitong pangangailangan para sa asawa. Dapat maintindihan na ang pagiging makasarili at romance ay hindi puwedeng pagsamahin.

Hindi masama kung maging estudyante ni mister. Upang maturuan ni mister ng kanyang kailangan. Puwedeng mag-ingat na imbestigahan ang kanyang hinahanap. Para masundan nang mas malalim na may pang-unawa at pagmamahal sa romansang kiliti ng iyong mister.

Show comments