Dear Vanezza,
Hindi ko mapigilan na hindi sumagot sa tatay ko. Sinasaway ako ni nanay na magbigay pa rin ako ng respeto sa tatay ko. Paano ko naman rerespetuhin ang taong addict na ginagawang miserable ang buhay namin. Sabihin n’yo po ano ang aking gagawin? – Marco
Dear Marco,
Kailangan ang higit na pang-unawa ng iyong tatay, pero dapat magdoble ingat, kung kalabisan ang kanyang ginagawa ay saka umaksyon at humingi ng tulong sa kinauukulan.
Sumasainyo,
Vanezza