Hindi maitatangging mahilig ang mga Pinoy sa paggawa ng mga burong kung anu-ano. Isa na rito ang mga binurong prutas tulad ng mangga, pipino, singkamas, at kamias.
Marami ring gulay na maaaring iburo tulad ng mustasa at ng maliliit na sibuyas. Bagay na bagay kasi ito sa mga pagkaing may sarsa, prito, at inihaw. Ito ang side dish na hindi-hindi natin pagsasawaan kahit kailan.
Hindi laging perfect ang paggawa natin sa mga ito dahil may mga pagkakamali tayong nagagawa na hindi tayo aware.
Mas maganda kung kayo ay gagamit ng pickling salt/canning salt kesa sa table salt/iodized salt.
Mayroon kasing caking additives ang huli kaya malamang na lumambot nang husto ang anumang ibuburo rito.
Kung wala namang coarse salt ay mas mabuting gumamit ng sea salt.
Nakakaapekto rin nang husto kung pagsasabay-sabayin ang pagbuburo sa mga prutas o gulay dahil maghahalu-halo ang lasa nito.
Isa rin sa mistakes ng pagbuburo ay ang masyadong matagal o mabilis na pagbuburo nito.
Mas mabuti kung hindi ito paaabutin ng higit sa isang linggo para mas ma-enjoy ang flavor ng inyong pinurong prutas/gulay.