Babae magpapakasal sa isang chandelier!

Si Amanda Liberty, 34, na sinasabing isang objectum sexual ay kasalukuyang engaged sa isang chandelier na pinangalanang Lumiere, at ayon sa kanya, na-love at first sight daw siya rito nang makita sa online shop na eBay.

Orihinal na nanggaling sa Germany ang nasabing 91-year-old na chandelier at may laki ito na 28 inches.

Pina-tattoo ni Liberty si Lumiere at ayon sa kanya, sinabi raw nito na nagustuhan niya ang kanyang tattoo na tumagal ng isang oras ang paggawa.

“Lumiere also thought it was brilliant, she gave me the energy telling me it was great. She tells me when she doesn’t like things but she really likes the tattoo.”

Nang makita niya raw si Lumiere, nasabi raw niya sa kanyang sarili na nakita niya na ang para sa kanya. Dahil nga raw sa nanggaling pa ito sa ibang bansa, gumawa raw siya talaga ng paraan para maiuwi ito.

“I couldn’t stop thinking about her and how beautiful she was - she has such a beautiful shape, and I could feel really amazing energy coming from her.”

Show comments