Babaeng namamangka sa dalawang ilog

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay tungkol sa dalawang lala­king nagpapatibok ng aking puso. Si Leo ang una kong minahal simula pa high school kami. At si Aries na nagpapaligaya rin sa akin. Mahal ko silang dalawa. Dapat ko bang ipagtapat sa kanila na dalawa sila sa puso ko? Hindi kaya nila ako iwanan at saktan sa bandang huli?

Gemini

Dear Gemini,

Kapag nagkabukuhan ay malamang pareho silang mawawala sa buhay mo. Hindi puwedeng sabay. Kaya mamili ka dahil unfair at hindi ka faithful sa kanila. Isang partner lamang kung ayaw mong makarma sa bandang huli.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments