Hindi lang ang mag-asawa ang nangangailangan sa isa’t isa, kundi maging kapwa indibidwal sa iyong paligid.
Variety – Paano kung walang black and white at isang dimensional lamang kung walang ibang tao magdadagdag ng kulay sa iyong buhay.
Counterbalance – Kung masyadong mabilis, sino ang tutulong sa iyo para magpreno? Kung natatakot na sumubok, sino ang mag-encourage sa iyo na sundin ang iyong pangarap?
Pang-unawa – Kung ayaw mong magsalita, kanino ka lalapit dahil gusto mo lamang munang manahimik? Sino pa ba ang makakaintindi ng iyong moods at emosyon, kundi ang iyong kaibigan o pamilya.
Magulang – Paano palalakihin ang mga anak kung walang katuwang na magpapakalma ng iyong temper, magbubukas ng iyong pananaw sa mga bagay na hindi mo nakikita? Sino ang tutulong upang ma-reinforce ang rules sa iyong posisyon ng pamilya? ‘Di ba kailangan ng partnership sa tahanan kasya nagkokontrahan sina nanay at tatay.
Companion – Malaki ang pagkakaiba sa pagitan mag-isang ginagawa ang isang bagay, kaysa sa magkasamang nagtutulungan ang mag-asawa. Kundi rin karamay rin ang pamilya sa lahat ng problema at pagpasan ng responsibilidad sa buhay.
Alam ng Diyos na kailangan ng bawat isa ng katuwang at kasama sa buhay. Kaya patuloy na pahalagahan ang pamilya. Dahil mas magaan ang buhay kung magtutulungan sa pagharap ng mga hamon na haharapin ngayong taong 2019.