Estudyante Gustong Ipaampon ang Isisilang na Baby

Dear Vanezza,

Isa akong estudyanyte na nabuntis ng BF ko, pero ayaw niyang akong panagutan. Nagpunta ako sa kaanak ng best friend ko dahil natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nalaman ito ng aking mga magulang. Tatlong buwan na akong hindi umuuwi sa bahay. Yung kamag-anak ng friend ko ay gustong ampunin ang aking isisilang na anak ko. Tama ba ang gagawin ko kung ipaaampon ko ang magi­ging baby ko? - Carol

Dear Carol,

Ang pinakamainam mong magagawa ay bumalik sa iyong mga magulang at sabihin sa kanila ang totoo. Sa tagal ng pagkawala mo ay tiyak na nag-aalala na ang parents mo at baka magkasakit pa. Walang magulang na makatitiis sa anak at naniniwala akong magalit man sila sa umpisa ay mauunawaan ka nila. Kaya huwag kang matakot na humarap sa kanila. Nakagawa ka ng mali, ituwid mo at harapin ang bunga ng iyong kamalian.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments