Dear Vanezza,
May pagka-ambisyosa ang grilfriend ko na material girl. Sabi ni nanay ay idispatsa ko na ito. Dahil ako rin daw ang mahihirapan. Pero mahal ko ang syota ko na handa akong ibigay sa kanya ang lahat. Pero ang problema ay nababaon naman ako sa utang. Nagdadalawang-isip ako kung makikipaghiwalay ako. Ano ba ang mabuti kong gawin? - Jose
Dear Jose,
Walang masamang magmahal sa iyong nobya. Pero pakinggan mo rin si nanay para sa iyong future. Kung pipili ka ng asawa, kailangang siya’y babaeng hindi kayang masilaw ng salapi o material na bagay. Makakatagpo ka pa nang higit sa kanya.
Sumasaiyo,
Vanezza