Malakas ang Buhos ng Ulan

Panaginip: Inabot ako ng malakas na ulan sa kalye habang naglalakad. Napansin kong tumataas na ang tubig sa kalyeng nilalakaran ko. Umabot na ito sa kalahati ng aking binti kaya binilisan ko ang paglalakad.---Emy

Interpretation: Ang tubig ay emosyon. Ang ipinahahayag ng malakas na buhos ng ulan ay may matindi kang pinagdadaanan ngayon. Ang baha na umabot sa iyong binti ay nagpapakita na “bumabaha ka ng emosyon” sa kasalukuyan. Meaning, punung-puno ka ngayon ng problema. Ang problema mo ay tungkol sa iyong trabaho. Ang binti ay simbolo ng trabaho.

Show comments