Ang mga Amerikano kapag nagmamaneho ng kotse na ang direksyon ay patungong southwest sa Cortez, Colarado. Sa patuloy na pag-drive ng eksaktong 38 miles sa kahabaan ng Highway 160 at sa pakanan ay masusungpungan ang apat na kanto ng Monument Road. Kalahating milya pa ay makikita na ang nag-iisang spot sa America kung saan maaaring makarating sa apat na states sa iisang sitwasyon. May apat na intersection ang kanto na ang lugar ay gaya ng Arizona, Colarado, New Mexico, at Utah. Sa gitna ay ang malawak na disyerto na napapalibutan ng alikabok at mabatong lugar.
Pero hindi tumitigil ang mga tao na dumiretso upang bisitahin ang Four Corners na naghihintay sa linya upang makita ang thrill na makipag-selfie sa gitna ng apat na states sa iisang lugar. Ganyan ang American way na laging sinusubukan na marating ang apat na lugar at one time.
Hindi lang naman ang mga Kano ang ganun kung dumiskarte. Dahil tayong mga Pinoy ay patuloy na tumatakbo sa iba’t ibang direksyon. Instinct na nagmamadali na parte na ng ating lifestyle ng kahit sino.
Lahat ata ng tao ay addict na gawin ang mga susunod na activity list nito. Nakakalimutan na ang ibang mga mahahalagang bagay. Konti na lang oras na magbahagi ng pangarap kahit sa kanyang asawa.
Minumungkahi na mag-stop at i-check ang speed limit sa daanan. Hayaan na mabuhay sa realidad na hindi puwedeng sabay-sabay na marating ang Four Corners ng mundo. Kundi maglagay ng margin na ma-enjoy ang buhay na kahit hindi mabilis na sabay-sabay na matupad ang iyong pangarap.