Boredom sa Mag-asawa

Alam natin kung gaano kadaling atakehin nang boredom ang relasyon ng mag-asawa. Puwedeng ito ay magsimula pagkatapos agad ng honeymoon. Ang lahat ng emosyon, passion, love, at commitment sa pagitan ng dalawang tao ay nawawala hanggang lumamig ang trato ng mag-asawa at lumayo na sa isa’t isa sina misis at mister.

Ang boredom na kawalan ng thrill na isa sa sakit na umaatake sa buhay ng mag-asawa ngayon. Isang paraan ng pag-rebuild ng romantic energy ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng effort na samahan pa ng sense of art ng pag-asa na nanggagaling sa muling pag-invest ng oras kay hubby at wifey. Mag-isip kung paano pupunuin muli ng passion ang relasyon upang maibalik ang kanyang maalab na pagmamahal. Buhayin ang lambingan sa pagbibigay ng mga sorpresa upang magkaroon muli ng spark ang samahan.

Ngayong malapit na ang kapaskuhan, maaaring bigyan ng special gift si kuya o ate na puwedeng mabuo ang “Twelve Days of Christmas” na kanta. Puwedeng hindi araw-arawin ang regalo na maaaring sa gabi ng Noche Buena ito ibigay.

Hindi naman kailangang gumastos, ang simpleng expression ng tenderness, affirmation, at muling panliligaw kay misis upang masungkit muli ang matamis na oo ng maybahay. Ang problema, si misis ay ginagawa na lamang ex GF na dapat sanay ay habang buhay na gawing nobya na patuloy na liligawan gaya ng pagbibigay ng bulaklak o pagiging maginoo lagi kay misis.

Show comments