Iwas Face Fat

Isa sa maraming problema ng mga kababaihan ay ang mga taba sa kanilang mukha.

Present palagi ito kahit pa hindi ka naman mataba talaga.

Iba-iba rin ang dahilan kaya tayo may face fats, isang dahilan dito ang lifestyle at pagkain ng hindi gaanong masusustansyang pagkain.

Narito ang exercise sa mukha na epektibong paraan para matanggal ang face fat:

1. Tumingin ng diretso at umihip ng hangin. Sabihin ang “o” ng matagal. Epektibo ang ehersisyo na ito sa pagpapapayat ng pisngi.

2. Tumingin sa kisame at ilabas ang iyong dila. Baluktutin ang dila at i-hold ang nasabing posisyon sa sampung segundo.

3. Tumingin ng diretso at dumilat ng malaki na parang ikaw ay nagulat. Ang exercise na ito ay maganda para sa nangungulubot nang kilay.

Show comments