Sa panahon ngayon kung saan mas moderno na ang teknolohiya, maraming kumpanya ang gumagawa ng mga pampaganda na gawa sa iba’t ibang paraan para mapadali ang ating buhay.
Ganun pa man, hindi natin nari-realize na ang kailangan natin para mapanatiling makinis at maganda ang ating kutis ay nasa tabi-tabi lang.
Kung minsan pa nga, nasa kusina lang ang mga ito.
Tulad na lamang ng pagbabawas ng appearance ng age spots, hindi na natin kailangang bumili ng mamahaling produkto para maabot ito.
“Reducing the appearance of age spots on your hands can be much easier, and more natural than you think” ayon sa isang beauty expert.
Maaaring gumawa ng paste gamit ang katas ng patatas at baking soda.
Maaaring dagdagan din ito ng apple cider vinegar.
Ilagay ito sa problem areas kung saan lumilitaw ang wrinkles at mga taghiyawat. Ibabad ito ng hanggang sampung minuto.
Power combo kung ituring ito ang nasabing beauty expert dahil nag nasabing mixture ay mayroong naturang lighting agents na umeepekto agad sa loob lamang ng ilang araw.
Maaari itong gawin ng tatlong beses sa isang linggo at kapag nakita na ang resulta, ay bawasan at gawin na lamang isang beses sa isang linggo.