GF at BFF Tinuhog ni BF

Dear Vanezza,

Ikakasal na ang BFF ko sa BF niya. Pero ang hindi niya alam ay may nangyari sa amin ng BF nito nang hindi siya sumipot sa gimik naming tatlo. Guilty ko dahil nabola ako ng BF niya. Ako raw talaga ang type niya at hindi ang BFF ko. Imagine tinuhog niya kaming dalawa. Hindi ko masabi sa BFF ko na hindi worthy na pakasalan ang nobyo niya. Ako pa ang gusto niyang maging bride’s maid na tinatanggihan ko, pero nagpipilit ang BFF ko. Nakokonsensiya ako,  ano ba ang gagawin ko? - Bheng

 

Dear Bheng,

Kung may delicadeza ka pa ay huwag nang puntahan ang kasal ni BFF. Pero kung malulunok mo ang panloloko ninyo sa BFF mo ay pumunta ka. Pero tandaan mo, nandiyan lang ang karma na madalas na high tech at digital na ngayon ang pagbibigay ng hustisya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments