Desperada sa Crush ng Bayan

Dear Vanezza

Ako po ay 16 years old. Mayroon po akong crush sa school namin na varsity player sa basketball. Crush ng bayan po siya. Kaso, balitang marami siyang siyota. Ang problema ko ay hindi niya ako pinapansin. Minsan ko na po siyang pinadalhan ng love notes sa pamamagitan ng isa kong friend na friend din niya pero wala siyang sagot. Tuwing makikita ko siya, wala lang. Ano pong dapat kong gawin para mapansin niya ako?

Mia

Dear Mia,

Normal sa kabataang gaya mo na humanga. Pero huwag na magpapakita ng motibo. Puwedeng makipagkaibigan pero hindi na maganda kung ikaw pa na babae ang siyang magpapadala ng sulat. Pwede mo siyang ga­wing inspirasyon sa iyong pag-aaral. At least inspiration at hindi dapat maging desperado kay crush.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments