Sugat sa Sakong

Madalas na problema nating mga kababaihan ang pagkakaroon ng sugat sa sakong o sa likurang bahagi ng ating paa. Ito ay dulot ng madalas na pagsusuot natin ng sapatos na de takong na requirement naman sa ating ekswelahan o pagtatrabaho.

Maiiwasan ang pagkakaroon ng blisters sa likod ng paa kung ito ay lalagyan ng deodorant. Lumalala ang blisters dahil sa friction at sobrang pagpapawis kaya maiiwasan ito sa paggamit ng deodorant.

Isa pa sa epektibong paraan para maiwasan ito ay ang agarang pag­lalagay ng bandaid. Siyempre, nasa tamang paglalagay ng bandaid ang sekreto kung papaano ka hindi masusugatan.
Kung may sugat naman na ang iyong paa ay maaari itong pagalingin sa pamamagitan ng pagbababad sa pinakuluang tsaa na mayroong isang kutsarang baking soda.

Maaari ring direktang lagyan ng vitamin E ang sugat sa sakong para mas madali itong gumaling.

Show comments