Positibong Qualities ng Millennial

Ang mga millennial generation ang isa sa misunderstood na kabataan ngayon. Ang label agad sa kanila ay tamad na matakaw pa, makasarili, self-obsessed, umaasa sa iba, at marami pang negatibong description ng kanilang pagkatao. Laging nakatingin ang publiko kung paano sila sumabak sa “crazy journey” ng kanilang buhay.

Puwede rin may bahid ng katotohanan ang mga nabanggit, pero hindi maitatanggi na marami ring positive na qualities ang mga millennials. Ang totoo, hindi lahat ay tamad puwede bang passionate lang sa kanilang mga hobbies. Kung kaya may malasakit ang mga ito sa personal growth at development sa kanilang sarili. Ang workplace ay mas nagiging competitive ngayon, tingnan mo naman nagsisipag at nagsusunog sila ng kilay para magkaroon ng magandang grades, makakuha ng interships, at ibang training.

Hindi sekreto na ang mga henerasyon ngayon ay mga tech-savy na mas adap­table pagdating sa mga technology na available. Kung paano hindi maintindihan ng mga magulang ang pag-operate sa snapchat at ibang gamit ng mga gadgets, madali lamang ito sa kanila kahit ang 2 years old na bata ngayon. Sa pagiging natural innovators ng mga millennials ay lagi silang handang i-track ang anomang problema na kanilang kinakaharap. Madalas napagkakamalan silang mayabang na arogante agad. Hindi ba puwedeng confident lang. Masama ba kung magkaroon sila ng goals at pangarap sa buhay? Tatak na ng mga millennial ang pagiging adventurous kung saan gusto nilang makita ang buong mundo, kaya laging sumusubok sila ng iba’t ibang kultura, bagong pagkain, at iba  na gumagawa ng sariling memories na iti-treasure nila for a lifetime.

Show comments