Dear Vanezza,
Nagsisi akong ibinigay ko ang password ng Facebook sa nobya ko. Lahat na lang pinakikialaman. Hindi sa mayroon akong tinatago, pero nawawalan na ako ng privacy. Akala ko concern lang siya sa akin, pero naramdaman kong possessive pa lang siyang tao. Gusto ko nang makalaya sa kanya. Ano ba ang gagawin ko? – Randy
Dear Randy,
Puwede mo naman palitan ang password dahil right mo ito. Saka ipaliwanag ang sinasabi mong privacy na nakakasakal sa parte mo. Puwede rin makipaghiwalay na sa kanya kaysa tuluyan pang manduhan ng GF mo ang buhay mo.
Sumasainyo,
Vannezza