Mga Pangitain sa Katawan ng Babae

Part 1

• Masuwerte ang brasong walang bala­hibo, makinis, malambot, maganda ang hugis, hindi mataba, hindi payat, tama lang ang size.

• Malas ang brasong maikli.

• Magiging mise­rable ang buhay kung maugat ang braso.

• Magiging mababaluhin (widowhood) o napapahiwalay sa asawa ang babaeng mabalbon ang braso

• Nagdadala ng suwerte ang pusod na malalim.

• Kung mabalbon ang baywang, palatandaan ito na mabilis matukso ang isang babae sa tawag ng bawal na pag-ibig.

• Magiging mayaman ang babae kung malaman ang kanyang likod at mahaba ang backbone. Masuwerte rin ang tuhod na malaman.

• Magtatagumpay sa buhay ang babaeng may mamula-mulang paa, katamtaman ang size, malaman, maganda ang hugis.

• Matigas ang ulo ang babaeng mas mahaba ang second toe kaysa hinlalaki pero siya ay yayaman.

• Magiging matandang dalaga kung sobrang maikli ang se­cond at third toe.

• Mayaman ang mapapangasawa kung bilugan ang mga daliri sa paa.

Itutuloy

Show comments