Selfie o Groupie sa Vietnam

Ang hilig natin mag-selfie o maki-groupie kahit saan magpuntang lugar.

Pero kung sakaling may balak na magbakasyon sa Vietnam ay huwag agad basta mag-picture kung kani-kanino o saan-saan.

Maraming magagandang view sa Vietnam, pero mas wise kung hihingi muna ng permission bago mag-snap ng picture lalo na sa mga mas batang edad o teenager.

Huwag din kukuha ng picture na may kinalaman sa military na tiyak ay malalagay sa iyo sa alanganin. Maliban lamang sa strict na naka-display na pinapayagan para sa mga tourist na bahagi ng kanilang lugar, pero kung magpipilit ng may kinalaman sa military ito ay symbol ng paglabag sa national security ng bansang Vietnam.

Show comments