Sa bawat pamilya na mayroong higit na isang anak ay humaharap sa sibling rivalry. Kahit hindi ipinapakita ang away, pero maririnig na nagtataas ng boses at sumisigaw ang iyak kay nanay na tiyak kabisado na ng magulang kung anong nangyayaring kaguluhan sa mga bata.
Pinapatindi pa ang awayan dahil sa posisyon kung sino ang panganay, ate, kuya, o bunso. Madalas ay idinadaan kung sino ang mas matanda o sinasamantala dahil siya ang bunso upang makalamang sa isa’t isa.
Yung pag-uwi ni nanay na nai-stress sa mga sumbungan dahil sa walang katapusang kuwento at angalan tungkol sa sibling rivalry. Nagtataka ang mga magulang kung anong nangyari samantalang sabay-sabay naman nagsilaki na magkakasama sa loob ng bahay. Pero lumalaki ring galit at inis sa isa’t isa pagkauwi ng bahay.
Hindi dapat sumuko ang mga magulang na mamagitan at turuan ang mga anak na magkasundo at magmahalan. Ang sibling rivalry ay pagkakataon upang maihanda ang mga magkakapatid sa lifelong relationship ng anak para sa kanilang pag-aasawa at pamilya balang araw. Kung matutunan ng mga anak sa ma-settle na magkasundo ang kanilang pagkakaiba, aminin ang kanilang mga kasalanan, humingi ng patawad, at matutunan na ma-manage ang methods na pagpapahalaga sa buong buhay ng magkakapatid.
Ang isa sa kasiyahan ng magulang ay makitang lumalaki ang mga anak mula sa iisang bubong na kahit sa gitna ng krisis o pangangailangan ay mananatili silang kuya at ate ng pamilya na nagmamahalan at nagkakaisa. Ang magulang ay dapat magbigay ng effort na turuan ang mga anak na i-train na mag-unawaan at magbigayan ang mga bata bilang pagbibigkis kahit sa gitna ng conflict ng mga magkakapatid.