Ikinalungkot ng isang pamilya ang pagkamatay ng isa sa miyembro ng kanilang pamilya, ang kanilang lola.
Ang pinakanahihirapan daw na tanggapin ang nangyari ay ang kanyang paboritong apong babae kung saan madalas magmukmok at umiyak.
Ayon sa kanyang apo, sobrang hilig daw ng kanyang lola sa texting o messaging o sa paggamit ng gadgets tulad na lamang ng cellphone, ito raw ang madalas nilang gamitin sa tuwing hindi sila nagkikita o bumibisita.
Isinama raw nila sa kabaong ang cellphone ng kanyang lola nang ilibing ito, nang sa ganun ay kasa-kasama pa rin ng matanda ang kanyang pinakamamahal na bagay.
Isang araw daw nang bigla na lamang maisipan ng kanyang apo na i-text ito dahil sa sobrang pagka-miss niya. Sa hindi inaasahan, bigla na lamang daw may nagreply sa kanya. Number ng kanyang lola.
“I’m watching over you, you’ll get through this, you’ll be alright,” ang mensahe umano ng matanda.
Matagal na raw na naka-disconnect ang nasabing number at sigurado raw silang hindi ito ang kanilang pinakamamahal na lola.