Anak Gustong Ipakulong ang Addict na Tatay

Dear Vanezza,

Nagpadala ng pera si nanay mula Dubai para sa pagkain namin. Si tatay ang nag-withdraw ng pera sa ATM pero madaling araw na umuwi ng bahay, ang masaklap pa ay wala na ang perang panggastos namin. Nakita ko si tatay sa kanto kasama ang mga drug addict sa lugar namin. Sabi ko kay nanay ay ipakukulong ko si tatay na nagsisimula na namang magbisyo na nawawalan na ako ng respeto at amor. Tama ba ako? – Migz

Dear Migz,

Puwedeng pakiusapan ang inyong barangay na dumaan sa rehabilatation program ang iyong tatay. Upang ma-detox ang katawan at maturuan na makaiwas sa droga. Kailangan ni tatay ng support system lalo’t wala si nanay n’yo na siyang dahilan marahil ng kanyang kalungkutan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments