PATULOY si Pio sa pagpapagalit kay Ariel.
Pagpapaselos.
“Huwag ka sanang magalit kung mahal ko si Angela, Ariel. Hindi ko ito sinasadya.”
Suntok na naman si Ariel.
Patuloy ang pagkulog-pagkidlat.
Palatandaang hindi maayos sa bundok na banal.
Umeepekto ang puwersa ng kasamaan.
Dahil ang isang mabuting nilalang na nasa bundok na banal ay nasa impluwensya ng galit na damdamin.
Nananakit. Nawawala sa isip ang Diyos.
Umawat si Angela na umiiyak. “Tumigil ka na, Ariel! Ano ba ang nangyayari sa iyo?”
“Inaagaw ka niya sa akin ngayon ay itatanong mo kung ano ang nangyayari sa akin?”
“Hindi niya ako inaagaw sa iyo! Hindi niya ginugusto kung ano ang nararamdaman niya!”
Sumabad na rin si Yawanaya. “Tama. Tumigil ka muna, Ariel. Pati si Inay Alona ay naliligalig na.”
Hinarap ni Ariel si Yawanaya.
Galit. “Kanina, magkakampi tayo! Siguro dahil dati ka naman kampon ng demonyo, bumaligtad ka na!”
“Ano? Inaakusahan mo ako! Gago ka pala, e!”
“Huwag na kayong mag-away, ano ba?” Napasigaw na rin si Alona, ginagapangan na rin ng galit.
“Eh, talagang dinidemonyo tayo ng Pio na ito!”
Pinagtatadyakan naman ni Ariel si Pio.
Habang binubugbog, si Pio ay nagbubunyi.
Sige pa, Ariel. Tuloy mo lang ang galit na ‘yan. Ang pagkabayolente mo.
Sabi ni Pio sa isipan.
Nang hindi pa nga rin tumitigil si Ariel ay tumindi na rin ang galit ni Yawanaya.
Binayo nito ang ulo ni Ariel.
Nagalit si Angela. “Walanghiya ka, Yawanaya! Bakit mo ginawa ‘yon?”
Lumakas ang mga kulog at kidlat.
Ang bundok na banal ay unti-unti nang nadudumihan. Itutuloy