Kakaunti lamang ang nakakaalam na pwede kayong makapagluto ng pagkain nang hindi gumagamit ng apoy o init? Oo walang apoy o init at ang gamit lang ay suka.
Ang mga tender protein foods tulad ng isda at shellfish ay maaaring maluto sa pagbabad lamang sa suka. Sa prosesong ito ay naluluto chemically ng acid ang protein sa isda tulad ng ginagawa ng apoy.
Pinaniniwalaang nagmula ang prosesong ito sa ancient Peru kung saan ang putaheng fish ceviche ay isang classic na lutuin. Maging sa bansa natin ay ginagamit ang prosesong ito at mas kilala sa tawag na kinilaw.
Pero maging maingat dahil hindi nakasisiguro na namamatay ang mga bacteria at parasites na nakalalason sa proseso ng paglulutong ito. Burp!