May isang mister na naghahanda sa kanyang opisina ng last minute detail para sa kanyang conference na pupuntahan kinabukasan. Pag-uwi ng bahay ay naabutan si misis na mayroong mahirap na pinagdaanan sa maghapon dahil sa mga bata. Kailangan ni misis ng kausap, pero busy si mister. Naalala ni mister na may importante siyang dapat tawagan. Pero nakiusap si misis na huwag munang gumamit ng telepono.
Babala ni misis na kapag ginamit ni mister ang telepono ay aakyat na lang ito sa taas ng bahay. Pero kailangang-kailangan ni mister tumawag na unang pagkakamali ng asawang lalaki. Pagkababa ng telepono bigla namang tumawag ang nanay niya.
Nagkuwentuhan pa sila ng nanay nito na umabot ng 20 minutes. Nakonsensiya si mister na nagsimulang maglinis ng kusina at sala hanggang nawili ito sa kapapanood ng TV. Nang bumaba si misis ay nagdi-demand ito ng oras, pero nakatutok pa rin si mister sa TV. Sobrang galit ni misis na umabot ang awayan hanggang sa kuwarto na magkatalikod na natulog ang mag-asawa. Galit na rin si mister na nag-iisip kung paano makaganti kay misis kinabukasan na alam naman niyang mali.
Ganyan ang madalas mangyari kapag iniiwasan ng mag-asawa ang pag-uusap na nauuwi ang isang pagkakamali sa sunud-sunod na mas matinding pag-aaway. Sa bawat pag-iwas ng komprontasyon ay mas lalong lumalala.
Kaya huwag nang dagdagan ang ningas sa sunog. Kundi magkaroon ng kontrol sa sarili at pagaangin ang paghihirap ng asawa.